Ang mga Mapagkukunan sa DDS ay makukuha sa mga sumusunod na wika: Espanyol, Tradisyonal na Intsik, Pinasimpleng Intsik, Tagalog, Vietnamese at Korean.
Gumagana ang DDS upang matiyak na ang mga serbisyo ay makukuha ng mga taga-California na may mga kapansanan sa pag-unlad sa pamamagitan ng 21 na mga sentrong pangrehiyon ng California. Ang mga serbisyo ay dapat na nakasentro sa tao at nakakatugon sa maraming iba’t ibang pangangailangan ng mga mamimili. Dapat ding ipakita ng mga serbisyo ang mga pagpili ng bawat indibidwal na mamuhay ng independente at may kabuluhan na buhay sa loob ng kanilang mga komunidad.
Nasa ibaba ang isang maikling pangkalahatang-ideya ng mahahalagang programa at serbisyo. Para sa mga tanong at higit pang impormasyon, maaari kang makipag-ugnay sa programa at humiling ng libreng pasalita o sign language na interpretasyon at nakasulat na mga serbisyo sa pagsasalin sa iyong sariling wika.
Pagiging Karapat-dapat at Serbisyo ng Sentro ng Rehiyon
Ang mga sentrong pangrehiyon ay nagbibigay ng mga pagtatasa, tinutukoy ang pagiging karapat-dapat para sa mga serbisyo, at nag-aalok ng mga serbisyo sa pamamahala ng kaso. Ang mga sentrong pang-rehiyon din ay bubuo, bumibili, at nag-uugnay ng mga serbisyo sa Individual Program Plan o Planong Indibidwal na Programa ng bawat tao.
I-klick dito upang makipag-ugnay sa iyong Sentro ng Rehiyon at makakuha ng libreng tulong sa iyong wika.
Programa sa Pagpapasya sa Sarili
Ang Self-Determination Program o Programa sa Pagpapasya sa Sarili ay nagbibigay-daan sa mga kalahok ng pagkakataon na magkaroon ng higit na kontrol sa pagbuo ng kanilang mga plano sa serbisyo at pagpili ng mga tagapagkaloob ng serbsiyo upang mas mahusay na matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Kung interesado kang lumahok sa Self-Determination Program, makipag-ugnay sa iyong sentrong pangrehiyon para sa karagdagang impormasyon kung paano magsisimula.
makipag-ugnay sa: sdp@dds.ca.gov para sa karagdagang impormasyon o para sa libreng tulong sa iyong wika.
Maagang Simula
Ang programang Early Start o Maagang Pagsisimula ay ang programa ng maagang interbensyon ng California para sa mga sanggol at maliliit na bata na may mga pagkaantala sa pag-unlad o nasa panganib na magkaroon ng kapansanan sa pag-unlad at kanilang mga pamilya. Ang mga serbisyo ng Early Start o Maagang Pagsisimula ay magagamit sa buong estado at ibinibigay sa isang koordinadong sistemang nakasentro sa pamilya.
Ang mga magulang, tagapag-alaga, at pamilya ay maaaring makipag-ugnay sa 800-515-2229 o earlystart@dds.ca.gov para sa libreng tulong sa kanilang wika.
Office of the Lanterman Ombudsman and the Self-Determination Ombudsman o Tanggapan ng Lanterman Ombudsman at ng Pansariling Determinasyon na Ombudsperson
Ang Tanggapan ng Lanterman Ombudsman at ang Self-Determination Ombudsman ay maaaring makatulong sa mga kliyente ng sentrong pangrehiyon at kanilang mga pamilya kapag sila ay may mga problema sa pag-access sa kanilang mga serbisyo.
makipag-ugnay sa 877-658-9731 o Ombudsperson@dds.ca.gov para sa karagdagang impormasyon at libreng tulong sa iyong wika.
Kung ikaw ay nasa Self-Determination Program, makipag-ugnay sa 877-658-9731 o SDP.Ombudsperson@dds.ca.gov para sa karagdagang impormasyon at libreng tulong sa iyong wika.
Mga Apela at Reklamo
Ang DDS ay nakatuon sa paglutas ng mga problema at alalahanin kapag nangyari ang mga ito.
Ang sinumang may edad na 3 o mas matanda na nag-aplay para sa mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon, o kasalukuyang tumatanggap ng mga serbisyong panrehiyon, ay maaaring umapela ng mga desisyon ng sentrong pangrehiyon dito.
May iba pang uri ng mga reklamo na maaari mong ihain tungkol sa iyong mga karapatan, Titulo 17, “Whistleblower” at mga serbisyo ng Maagang Pagsisimula. Makipag-ugnay sa 833-538-3723 o appeals@dds.ca.gov para sa karagdagang impormasyon sa kung anong uri ng reklamo ang kailangan mong ihain at libreng tulong sa iyong wika.
Last modified: October 23, 2024